Monday, November 3, 2014

Ang Tatlong Lasing

may tatlong lasing nagtatalo kung sino ang pinaka-matapang...

LASING 1: ako ang tunay na matapang. sandali lang

umalis ang unang lasing. pagbalik may mga tilamsik ng dugo sa t-shirt at kamay...

LASING 2: may dugo ka... ano nangyari?

LASING 1: kita mo yung traysikel na yun?

LASING 2: oo, yung maingay ang tugtog

LASING 1: ginulpi ko yung drayber at yung pasahero

LASING 2: yun lang pala eh... teka lang

umalis yung pangalawang lasing. pagbalik mas maraming dugo sa t-shirt...

LASING 1: astig ka. grabe andaming dugo. ano nangyari?

LASING 2: kita mo yung jeep na yun?

LASING 1: oo, yung sablay ang parking

LASING 2:ginulpi ko yung driver at yung tatlong pasahero

LASING 3: bwahahahaha...  ang duduwag nyo! hintayin nyo ako

umalis ang pangatlong lasing. pagbalik niya, parang naligo ng dugo mula ulo hanggang paa...

LASING 1 and 2: grabe ikaw na pare. sobrang daming dugo. ano nangyari?

LASING 3: nakita nyo ba yung malaking bus na yun?

LASING 1 and 2: oo, yung matulin ang takbo kanina pare

LASING 3: %^$####... ako hindi ko nakita... dalhin nyo ako sa ospital
.
.
.
.
LESSON: drink moderately

No comments:

Post a Comment